Friday, August 26, 2016

Tayutay


Topic:
           Tayutay

Banghay:
         
            1. Kahulugan Tayutay
            2. Mga Uri ng Tayutay at Halimbawa
            3. Reperensiya



A. Ano ang Tayutay?

            Ang Tayutay ay mula sa salitang "taytay" na ang ibig sabihin ay "tulay". Sa wika, ito ay nangangahulugan ng talinghaga na ang layunin ay  maging maganda at kawili-wili ang pagpapahayag.


B. Mga uri ng Tayutay at mga halimbawa

1. Pagtutulad - naghahambing ng dalawang bagay na hindi magkatulad na ginagamitan ng mga pariralang panulad na kawangis ng, animo, tila, wari, gaya ng, tulad ng, parang, at iba pa.

Halimbawa:
            a. Tila perlas sa kaputian ang kanyang mga ngipin.
            b. Parang pulburang madaling mgsiklab kung magalit ang kanyang ama.

2. Pagwawangis - tuwirang naghahambing ng dalawang di-magkatulad na bagay na hindi ginagamitan ng mga pariralang panulad.

Halimbawa:
            a. Ikaw ay ibong mandaragit sa kasalukuyan.
            b. Ang ganda mo'y sariwang rosas na namumukadkad sa hardin.

3. Pagbibigay-katauhan - pagsasalin ng mga gawain ng tao sa isangkaraniwang bagay.

Halimbawa:
            a. Sumilip ang araw sa munting silid ng maysakit.
            b. Nagdadalamhati ang langit sa kanyang pagpanaw.

4. Pagmamalabis - pagbibigay ng lubhang kahulugan sa nais na ipakahulugan o mga pahayag na pinalulubha sa tunay na kalagayan.

Halimbawa:
            a. Kabilang siya sa angkan ng mga nakahiga sa salapi.
            b. Nadurog ang kanyang puso nang magtaksil ang kasintahan.

5. Panawagan - pakikipag-usap o panawagan para sa tao o bagay, karaniwan ng patay o isang karaniwang bagay.

Halimbawa:
            a. Tukso, layuan mo kaming magsing-irog.
            b. Hangin, pumarito ka at pawiin mo ang init na aming nadarama.

6. Pagpapalit-saklaw- binabanggit ang bahagi bilang pantukoy ng kabuuan, o kabuuan bilang pantukoy ng bahagi.

Halimbawa:
            a. Bisig na nagsaka'y siyang walang palay.
            b. Dalawang maliliit na paa ang sumalubong sa ama.

7. Pagpapalit-tawag - paggamit ng ibang katawagan sa isang tao o bagay na tinutukoy.

Halimbawa:
            a. Mapait na luha ang isinukli niya sa tapat kong pagmamahal.
            b. Limang baso ang nainom ni Mang Karding.

8. Paglilipat-wika - pagsasalin ng talino o katangian ng tao sa mga karaniwang bagay.

Halimbawa:
             a. Dinalaw niya ang ulilang silid na iyon.
             b. Masungit ang panahon nang kami'y dumating.

9. Pauyam - pahayag na painsulto o mapanudyo, maaaring pailalim o tuwirang pagsasabi.

Halimbawa:
            a. Hampaslupa ka na'y mataas ka pa.
            b. Mahiya-hiya ka naman sa balat mo.

10. Balintunay - pagbibigay ng mga papauri pahayag na kabaligtaran sa tunay na ibig ipakahulugan.

Halimbawa:
            a. Labis kong ikinatuwa ang pagkabukas mo ng aking liham.
            b. Ang husay mong sumayaw kaya panay ang tapak mo sa paa ng iyong kapareha.

11. Pasalingat - nagpapahayag ng mga bagay o kaisipang magkasalungat ngunit matalinghaga.

Halimbawa:
            a. Umuunlad ang daigdig sa katamaran ng tao.
            b. Nasa lakas ng babae ang kahinaan ng lalaki.

12. Paglumanay - mga pananalitang pinagagaan ngo pinalulumanay upang di masyadong bulgar o lantaran sa tagatanggap.

Halimbawa:
            a. Mapayapang namahinga ang aking ina nang aking datnan.
            b. Ang tinutukoy niya'y maselang bahagi ng iyong katawan.



C. Reperensiya

            Brazil, Melodina c. MA. Handawts sa Filipino 3. Holy Trinity College.

Friday, August 12, 2016

What Makes My Life Meaningful

I am Esnihaya Kudarat, 25 years old, married with one son.
  What makes my life meaningful is my Family. 
They are the one who inspires me. They always make my day beautiful.
They are my happiness. It is not how big the house is, it is how happy the home is.
No family is perfect, we argue, we fight, we even stop talking to each other at times,
but in the end family is family. The love will always be there.